Philjobnet

  • Autor: Vários
  • Narrador: Vários
  • Editor: Podcast
  • Duración: 16:02:43
  • Mas informaciones

Informações:

Sinopsis

This podcast talks about the working class Filipino and provides career tips for personal advancement.

Episodios

  • Episode 82 | Tatlong paraan upang umangat ang Estado sa Trabaho

    09/11/2018 Duración: 08min

    Ang iyong pag-angat sa estado ng pamumuhay ay hindi lamang inaasa sa swerte. Kinakailangan na mayroon kang ginagawang mga hakbang upang marating ang mas mataas na kalagayan sa iyong hanapbuhay. Tingnan din kung ano ano ba ang mga kakayahan na kinakailangan upang maging isang epektibong 'Copywriter'. Suriin natin ang iba't ibang kakayahan na kailangan paghandaan sa trabahong ito. Quote for the Week: "Books are uniquely portable magic." Talakayin natin ang mga ito sa episode na ito: 00:36 Tatlong paraan upang umangat ang estado sa Trabaho 03:41 Mga Tips para sa gusto maging Copywriter 07:25 Quote for the Week (Stephen King)

  • Episode 81 | Maayos na pakikipag-usap sa mga Katrabaho

    09/11/2018 Duración: 07min

    Ang pakikipag-usap sa mga kasama sa trabaho at mga kliyente ang isa sa pinakamahalagang bagay na hindi naituturo sa atin sa iskwelehan. Sapat na nga ba ang iyong kaalaman upang masabing maayos ang iyong pakikitungo sa mga katrabaho at mga kliyente ninyo? Ano nga ba ang trabaho ng isang Copywriter? Kung bago sa iyongpandinig ang trabahong ito, pakinggan ito upang malaman kung ano nga ba ang trabahong ito at kung bagay ba ito sa'yo. Ngayong Linggo, samahan niyo kami sa pagtalakay ng mga ito: Quote for the Week- "You can't have a million dollar dream with a minimum wage work ethic." 00:28 Maayos na pakikipag-usap sa Katrabaho 03:07 Para sa mga gusto maging Copywriter 07:03 Quote for the Week (Stephen Hogan)

  • Episode 80 | Mga hakbang upang makasigurado sa paghahanap ng Trabaho

    09/11/2018 Duración: 16min

    Hindi nagiging madali para sa ibang nakapagtapos ng pag-aaral ang paghahanap ng trabaho. May mga hakbang na dapat ginagawa upang maging mainam ang paghahanap ng trabaho. Sa ating ikalawang bahagi ng panayam sa isang Arkitekto, ibabahagi na niya ang mga katangian na kinakailangan upang maging matagumpay sa pag-aaral nito. Quote for the Week: "The speed of the boss is the speed of the team." 00:42 Mga hakbang upang makasigurado sa paghahanap ng Trabaho 05:51 Ikalawang bahagi ng panayam sa isang Arkitekto 16:02 Quote for the Week (Lea Iacocca)

  • Episode 79 | Bakit kailangan ng Kusang-loob sa Trabaho

    09/11/2018 Duración: 16min

    Ang pagkakaron ng kusang-loob sa ating trabaho ay laging magbubunga ng magandang bagay sa ating 'career'. Suriin natin kung bakit nga ba kailangan magkaroon nito lagi upang maging matagumpay tayo. Atin ng makakapanayam ang isang batang Arkitekto at kanyang ibabahagi sa atin kung ano ang kanyang pinagdaanan at kung ano ano ang mga 'skills' at kaalaman na kinakailangan upang maging katulad nila. Quote for the Week: "Take risks in your life. If you win, you may lead. If you lose, you may guide." Samahan niyo kami sa episode na ito: 00:51 Bakit mo kailangan ng 'Initiative' o Kusang-loob sa trabaho 08:04 Panayam sa isang ganap na Architect 15:44 Quote for the Week (Swami Vivekananda)

  • Episode 78 | Mga Dahilan kung bakit lumilipat ng trabaho

    09/11/2018 Duración: 09min

    Hindi na bago ang makarinig tayo ng mga dating kasama sa trabaho na umalis bigla sa di malamang kadahilanan. Bakit nga ba umaalis ang mga tao sa kanilang mga trabaho? Siyasatin din natin ang mga magagandang dahilan kung bakit maigi ang propesyon ng pagiging Arkitekto. Quote for the Week: "Every line you draw, think of the beneficiaries and sufferers." Ito ang nilalaman ng episode na ito: 00:40 Mga Dahilan kung bakit lumilipat ng trabaho ang mga Empleyado 05:29 Dahilan kung bakit mainam ang pagiging Arkitekto 08:30 Quote for the Week (Felino Palafox Jr.)

  • Episode 76 | Power Words para sa iyong Resume

    09/11/2018 Duración: 11min

    Balikan natin ang ating mga resume at suriin natin kung tayo ba gumamit ng power words. Alamin kung ano ano ang maaring gamitin upang mapaganda at mapabilis ang paghahanap ng trabaho. Sa ikalawang bahagi ng ating panayam sa isang Chief Mechanic, ibabahagi niya ang mahahalagang kaalaman sa pagsisimula bilang mekaniko, limitasyon at iba pang mahahalagang dapat gawin upang tumagal sa ganitong uri ng trabaho. Quote for the Week: "There's no twilight zone of honesty in business. A thing is right or wrong. It's black or white." 00:33 'Power Words' para sa iyong Resume 03:12 Ikalawang Bahagi ng ating Panayam sa isang Chief Mechanic 11:05 Quote for the Week (John Francis Dodge)

  • Episode 75 | Gusto mo ba mag-aral online ng LIBRE?

    09/11/2018 Duración: 13min

    Libreng pag-aaral para sa dagdag kaalaman at 'skills' hatid sa inyo ng TESDA. Tingnan kung ano ano ang mga maari ninyong kunin na mga libreng kurso. Nakapanayam na din natin ang isang Chief Mechanic upang maibahagi niya ang kanyang kwento. Pakinggan natin kung paano siya nagsimula at kung ano ang kanyang payo sa mga nais din ng ganitong trabaho. Quote for the Week: "When you stop working. You start to die." 01:01 Para sa mga gusto mag-aral online ng LIBRE 06:53 Panayam sa isang Chief Mechanic 12:21 Quote for the Week (Ferucio Lamborghini)

  • Episode 74 | Empowering your Employees to embrace Change in the Workplace

    09/11/2018 Duración: 08min

    Kapag nagkaroon ng nalalapit na pagbabago o bagong proyektosa opisina, kadalasan ay nahihirapan ang mga kompanya isulong ito. Maaring ang kadahilanan ay dahil na rin mismo sa mga empleyadong ayaw tumanggap nito. Pag-usapan naman natin ang mga bagay na dapat ginagawa ng mga Mekaniko. Suriin mo mabuti kung nais mong pumasok sa larangang ito. Quote for the Week: "The major key for a better future is You." 00:44 Empowering your Employees to embrace Change in the Workplace 05:19 Ano ano ba ang dapat na ginagawa ng mga Mekaniko? 07:57 Quote for the Week (Jim Rohn)

  • Episode 73 | Mga maaring gawin upang mabawasan ang labis na 'Stress' sa Trabaho

    09/11/2018 Duración: 12min

    Normal ang 'stress' sa trabaho. Ngunit ang dapat iwasan ay ang labis na 'stress' lalo na kung ito ay hahantong sa ikasasama ng iyong kalusugan at kalagayan sa buhay. Suriin natin kung paano nga ba maging isang Mekaniko. Makakapanayam natin sa mga susunod na episode ang isang Chief Mechanic upang makapag bigay ng gabay kung paano maging matagumpay sa larangan na ito. Quote for the Week: "The challenge is not to manage time, but to manage ourselves." Pag-uusapan natin ang mga ito: 00:57 Mga maaring gawin upang mabawasan ang labis na 'Stress' sa Trabaho 07:43 Mga unang hakbang sa pagiging Mekaniko 11:56 Quote for the Week (Steven Covey)

  • Episode 72 | Paano tigilan ang paninisi sa sarili upang umunlad sa Trabaho

    09/11/2018 Duración: 12min

    Ang unang hakbang sa pag-unlad sa trabaho ay ang pagtanggap sa sarili bilang isang tao na nangangailangan din ng tulong. Kung sa pagkakataon na ikaw ay nagkamali sa trabaho, hindi dapat panghinaan ng loob upang mas pagbutihin pa ang pagtatrabaho. Sa ikalawang bahagi ng ating panayam sa isang Graphic Artist, ibabahagi niya ang mga magandang panimulang skills na kailangan mong paghandaan upang maging isang ganap na digital artist. Quote for the Week: "If you get give. If you learn, teach." Talakayin natin ang mga sumusunod na mga bagay ngayon: 00:59 Paano tigilan ang paninisi sa sarili upang umunlad sa Trabaho 03:43 Huling bahagi ng ating Panayam sa isang Graphic Artist 12:08 Quote for the Week (Maya Angelou)

  • Episode 71 | Mga Paraan upang makabenta

    08/11/2018 Duración: 09min

    Madalas kapag nahihirapan tayo makapagbenta ay naiisipan na kaagad natin magbitiw sa posisyon. Hindi dapat ganito ang disposisyon natin sa pag-iisip. Sa halip na sisihin ang sarili, kailangan ay tingnan pa ng mabuti kung ano ang maari mong pang gawin. Nakapanayam din natin ang isa na ngayong Graphic Designer na nagmula din sa Jobstart na programa ng gobyerno. Dito, ibabahagi niya kung paano siya nakapagsimula dito at kung bakit din niyo nagustuhan ang ganitong klaseng trabaho. Lahat 'yan ay pag-uusapan natin ngayon: 01:03 Mga paraan upang makabenta 04:46 Panayam sa isang Graphic Artist/Designer na nagmula sa Jobstart Program 09:21 Quote for the Week (Salvador Dali) "Intelligence without ambition is a bird without wings."

  • Episode 70 | Ano ang gusto mo para sa buhay at hanapbuhay?

    08/11/2018 Duración: 08min

    Naging tradisyon na sa ibang mga Pilipino ang makinig na lamang sa sinasabi ng mga magulang at kamag-anak kung anong kurso o trabaho ang kanilang dapat kunin kahit hindi naman nila napupusuan ito. Mas maigi ang magiging takbo ng iyong hanapbuhay kung ikaw mismo ang pumili ng iyong trabaho. Sa ikalawang bahagi ng ating special feature para sa trabahong ' Graphic Designer', alamin natin kung ano ano pa ang mga kinakailangang katangian upang maging matagumpay sa larangan na ito. "Work like there's someone working 24hours a day to take it all away from you." Samahan niyo kami sa ating usapan ngayon: 00:48 Ano ang gusto mo para sa buhay mo at hanapbuhay? 05:48 Ang mga kinakailangan ng isang Graphic Designer? 07:21 Quote for the Week (Mark Cuban)

  • Episode 69 | Para sa mga gusto ng pagbabago sa kasulukuyang Trabaho

    08/11/2018 Duración: 06min

    Hindi tama na lagi na lamang nakokontento sa kalagayan sa trabaho kahit na hirap na hirap ka na. Kaya kung ikaw ay may nais na gawing pagbabago sa iyong kondisyon sa trabaho, siguro panahon na para gawin mo ang mga ito. Nakilala natin ang mga Graphic Designer dahil sa pag-usbong ng advertising sa internet. Sino nga ba sila at ano ano ang kailangan gawin upang maging isang Graphic Designer din. Quote for the Week: "Ako naniniwala ako sa palad natin. Yung paniniwala. At yung ginagawa. Yan ang swerte mo. Pero kung hinihintay mo lang ang swerte na yan. Well, mahirap. I don't believe that na parang lottery. But if you work hard and you earn it, talagang nasa iyo na yan." Tatalakayin natin ang mga ito: 00:40 Para sa mga gusto ng pagbabago sa kasulukuyang Trabaho 02:06 Para sa nga gusto maging Graphic Designer 05:16 Quote for the Week (Rebecca Bustamante)

  • Episode 68 | Envelope Banking para sa mga Manggagawa

    08/11/2018 Duración: 16min

    Kahit may trabaho na tayo ay mahirap pa din gawin na makapag ipon dahil napapa gastos na lang tayo bigla. Kaya naman gawin ito basta may disiplina. Subukan niyo ang Envelope Banking. Sa ikalawa at huling panayam natin sa isang Web Developer ay malalamannatin ang mga tamang hakbang upang lalong gumanda ang takbo ng 'career' kung pipiliin mo ang landas na ito. Quote for the Week: "We need diversity of thought in the world to face new challenges." Ito ang ating mga pag uusapan ngayon: 00:48 Envelope Banking para sa mga Manggagawa 03:42 Ikalawang bahagi ng panayam sa isang Web Developer 15:50 Quote for the Week (Tim Burners Lee)

  • Episode 67 | Gawin mo ito bago mag simula ng bagong project sa opisina

    08/11/2018 Duración: 13min

    Tuwing magkakaroon ng bagong project sa opisina ay hindi nawawala ang takot upang masimulan ito. Ano nga ba ang kinakailangan upang mas mapadali ito at makasigurado na hindi natin maiiwanan ang kasulukuyang trabaho? Nakausap din natin ang isang Web Developer na may mahigit ng 10 years experience at dito ay ibabahagi niya ang kaniyang kaalaman kung paano maging matagumpay sa larangan na ito: Quote for the Week: "You don't have to be young to learn technology, you have to feel young." Ito ang ating mga tatalakayin ngayon: 00:39 Mga Kinakailangan bago simulan ang bagong 'Project' sa Trabaho 02:18 Unang Bahagi ng Panayam sa isang Web Developer 12:43 Quote for the Week (Vint Cerf)

  • Episode 66 | Tatlong Bagay na maaring gawin kapag may Job Opportunity

    08/11/2018 Duración: 06min

    Dapat maging positibo lagi kapag may dumarating na Job Opportunity. Huwag hayaan na pangunahan ng takot upang hindi masayang ang oportunidad. Narito ang mga gabay upang maging handa ka sa susunod na dumating ulit ang isang opportunity para sa'yo. Pagkatapos natin pag usapan ang responsibildad ng mga Front End Developers, tingnan naman natin kung ano ano ang mga responsibilidad ng isang Back End Developer. Hindi na bago sa atin lahat ang kahalagahan ng websites kaya naman lalong nagiging mahalaga ang pagkakaron ng ganitong uri ng mga eksperto. "Success is no accident. It is hard work, perseverance, learning, studying, sacrifice and most of all, love of what you are doing or learning to do." Lahat ng ito ay ating pag-uusapan ngayon: 00:32 Tatlong Bagay na maaring gawin kapag nakakakita ng Job Opportunity 03:09 Mga gawain ng Back End Developer 05:14 Quote for the Week (Pele)

  • Episode 65 | Para sa mga gusto maging HTML Developer

    08/11/2018 Duración: 09min

    Ang pagiging matagumpay sa kahit anong larangan ng trabaho ay nangangailangan ng maayos na experience. Makakakuha ka din nito sa mabilis na pamamaraan sa pamamagitan ng pangongopya ng mga tamang modelo. Sa larangan naman ng IT, tingnan natin ang isa sa pinaka mahalagang aspeto ng trabaho nila- ang mga Web Developer. Alamin natin kung ano ano nga ba ang mga tungkulin at kung paano din nga ba masasabing handa ka na maging isang katulad nila. "There's no such thing as overnight success or easy money. If you fail, do not be discouraged; try again. When you do well, do not change your ways." 00:52 Bakit maganda ang pangongopya pagdating sa pagtatrabaho 03:02 Para sa mga gusto maging HTML developer 08:22 Quote for the Week (Henry Sy) #BuhayatHanapbuhay #PhilJobNet

  • Episode 64 | Payo para sa mga nagtratrabaho bilang Merchandisers

    08/11/2018 Duración: 18min

    Hindi na bago sa atin ang mga Merchandisers. Kalimitan natin silang nakakausap bago tayo bumili ng mga damit at gamit. Kung ikaw ay nagtratrabaho bilang isang Merchandiser, pakinggan ang ating mahahalagang paalala upang mas mapabuti pa ang iyong pagsasagawa ng trabahong ito. Sa ikalawang bahagi ng ating panayam kay Chef Joseph ay ibabahagi na niya ang mahahalagang kaugalian at katangian na dapat sikapin magkaroon upang maging isang ganap na Chef. Quote for the Week: "I've had a lot of success. I've had failures. So I learned from the failures." Ito ang nilalaman ng ating episode na ito: 00:42 Payo para sa mga merchandisers 06:03 Panayam sa isang Chef (Part II) 18:06 Quote for the week (Gordon Ramsey)

  • Episode 63 | Apat na hakbang upang umangat sa Trabaho

    08/11/2018 Duración: 13min

    Ang pag angat sa trabaho ay hindi lamang inaasa sa tadhana. Ito ay pinag hahandaan at pinagsisikapan ng kahit sino man. May mga hakbang na dapat sundan kung gusto mo din tumaas ang antas ng uri ng iyong trabaho at responsibilidad. Sa ating panayam sa isang ganap na Chef ay mapapakinggan natin ang unang bahagi ng kaniyang mga payo kung nais mo din maging isang culinar Chef balang araw. Quote for the Week- "It is our duty to give meaning to the life of future generations by sharing our knowledge and experience; by teaching an appreciation of work well done and a respect for nature, the source of all life; by encouraging the young to venture off the beaten path and avoid complacency by challenging their emotions." Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 00:42 Apat na hakbang upang umangat sa Trabaho 03:08 Panayam sa isang Chef 12:09 Quote for the Week (Paul Bocuse) #BuhayatHanapbuhay #PhilJobNet

  • Episode 62 | Telephone Skills that Employees should have

    05/11/2018 Duración: 08min

    Kahit hindi kasama sa 'job description' ang pagsagot ng telepono sa opisina, kailangan alam natin ang tamang pamamaraan sa pagsagot nito. Nakakalimutan ng iba ang kahalagahan nito. Tingnan natin kung ano ano nga ba ang mga tamang pamamaraan sa pagsagot ng telepono sa opisina. Pakinggan din natin ang mga katangian na mayroon dapat ang isang culinary Chef. Maaring wala ka pa nito pero natututunan din naman ang karamihan na mga ito. Quote for the Week- "The future is coming so fast. We can't possibly predict it. We can only learn to respond quickly. " Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 01:01 Telephone Skills that Employees should have 04:37 Mga Katangian ng Isang Chef 07:22 Quote for the Week (Steve Kerr)

página 1 de 5