Philjobnet

  • Autor: Vários
  • Narrador: Vários
  • Editor: Podcast
  • Duración: 16:02:43
  • Mas informaciones

Informações:

Sinopsis

This podcast talks about the working class Filipino and provides career tips for personal advancement.

Episodios

  • Episode 61 | Paano ba maging Culinar Chef?

    05/11/2018 Duración: 08min

    Ang isang kumpanya ay hindi magtagtagal kung wala itong Recruiter na patuloy na maghahanap ng empleyado upang maipagpatuloy ang operasyon nito. Alamin natin kung ano ano pa ba ang naitutulong ng magagaling na mga Recruiter. Mahilig ka ba magluto ng pagkain at naisip mo din na maging isang Chef? Sa unang bahagi ng ating episodes tungkol sa pagiging Chef, tingnan muna natin unang hakbang kung paano makakapagsimula sa larangan na ito. Quote for the Week (David Beckham) "Don't be like most people. Most people give up on their dreams. To most people losing is acceptable." Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 00:38 Ano ang mga pwedeng magawa ng isang magaling na Recruiter? 03:01 Paano nga ba maging Culinary Chef? 07:47 Quote for the Week (David Beckham)

  • Episode 60 | Mataas na sweldo lang ba ang batayan sa pagpili ng trabaho

    05/11/2018 Duración: 20min

    Napapaisip ka ba lumipat ng trabaho? May mga karagdagang kadahilanan na dapat tingnan kung ikaw lilipat ng trabaho. Higit sa sweldo, may lima pang mga bagay na dapat tinitingnan upang masabi nating tama ang ating desisyon kunin ang trabahong ito. Sa huling bahagi ng ating panayam sa isang Recruiter ay malalaman natin kung ano ano nga ba ang mga bagay na kinakailangan upang maging Recruiter. Kailangan ba na maging isang Liberal Arts graduate? Ano ano din nga ba ang mga kinakailangang soft at hard skills ng isang Recruiter? Quote for the Week: "Just don't give up trying to do what you really want to do. Where there is love and inspiration, I don't think you can go wrong." Ito ang nilalaman ng Episode 60: 00:37 Mataas na sweldo lang ba ang batayan sa pagpili ng trabaho? 04:49 Ikalawang bahagi ng Panayam sa isang Recruiter 19:17 Quote for the Week (Ella Fitzgerald)

  • Episode 59 | Mga paalala sa mga gustong lumipat ng Trabaho

    05/11/2018 Duración: 22min

    Dumadating tayo lahat sa punto na kailangan ng lumipat ng trabaho. Nguni't bago ka tuluyang umalis sa iyong kasulukuyang trabaho, balikan mo muna ang ilang mahalagang paalalang ito. Sa unang bahagi ng ating Panayam sa isang Recruiter, malalaman natin kung paano sila nakapag simula sa trabahong ito at kung ano ano ba ang mga karaniwang trabaho na kanilang ginagawa. "Don't be afraid to give up the good, for the great." - J.D. Rockefeller Ito ang mga nilalaman ng episode ngayon: 00:37 Mga paalala sa mga gustong lumipat ng Trabaho 04:01 Unang bahagi ng panayam sa isang Recruiter 22:17 Quote for the Week

  • Episode 58 | Bakit mahalaga ang Training para sa mga empleyado?

    05/11/2018 Duración: 11min

    Sa pagsasagawa ng training para sa mga Empleyado, kinakailangan na maayos at malinaw ang pananaw ng Employers upang mas maging makabuluhan ang pagpapatuloy nito. Alamin kung ano ano ba ang mga mahahalagang bagay na dapat gawin ng isang Employer upang maging epektibo ang kanilang Training programs. Sa pagpapatuloy ng ating gabay para sa career sa Recruitment, tingnan natin ang mga mga katangian ng isang mahusay na Recruiter. Ito ang mga nilalaman ng episode ngayon: 00:38 Bakit mahalaga ang training para sa mga empleyado 05:12 Ano ano ang mga katangian ng isang mahusay na Recruiter 11:21 Quote for the Week (Lebron James)

  • Episode 57 | Paano mapapanatili ang magandang trabaho sa kumpanya

    11/10/2018 Duración: 07min

    Bilang isang Boss or Employer, hindi madali ang magkaron ng produktibong opisina na kung saan ay lahat ng Empleyado ay patuloy na ginagawa ang trabaho na higit pa sa kanilang kakayahan. Tingnan natin kung ano ano ba ang gawin upang maibsan ang magandang daloy ng trabaho sa opisina. Kung nais mong malaman kung maari ka bang maging isang Recruiter, pakinggan ang unang bahagi ng ating special episode na ito na kung saan ay ipapakita natin ang tamang landas upang magkaron ng career sa Recruitment. Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 00:40 Paano mapapanatili ang magandang trabaho sa Kumpanya 03:32 Panimulang gabay kung gusto mo maging isang Recruiter 06:54 Quote for the Week (Ralph Waldo Emerson)

  • Episode 56 | Ang kahalagahan ng Telemarketing sa Negosyo

    11/10/2018 Duración: 18min

    Isa sa pinaka epektibong pamamaraan ng pagbebenta ay ang Telemarketing. Maaring hindi na bago ito pero hindi maikakaila ang pagiging praktikal nito para sa isang kompanya. Kilatisin din natin ang mga magagandang katangian ng isang epektibong Telemarketer. Sa ikalawang bahagi ng ating panayam sa propesyon ng pagiging isang Social Media Marketer ay malalaman natin kung ano ang kailangan gawin para makapasok at magtagumpay sa ganitong uri ng trabaho. Pag-usapan natin ang mga ito sa episode ngayon: 00:43 Bakit kailangang kumuha ng Telemarketers sa isang Negosyo 02:43 Ikalawang Bahagi ng Panayam sa isang Social Media Marketer 17:27 Quote for the Week (Drew Gilpin Faust)

  • Episode 55 | Paano maging isang Customer Service Representative

    11/10/2018 Duración: 16min

    Kung nais mong subukan ang mag trabaho bilang Customer Service Representative, kinakailangan mo ang tamang ‘skill set’ tulad ng kakayahan sa paglutas ng problema, tamang pakikinig at iba pa. Sa unang bahagi ng ating panayam sa isang Social Media Marketer ay makakakuha tayo ng impormasyon kung ano mga ang kaakibat ng propesyon na ito. Sa episode na ito: 00:48 Paano maging isang Customer Service Representative 02:20 Unang Bahagi ng Panayam sa isang Social Media Marketer 15:13 Quote for the Week (Emma Watson)

  • Episode 54 | Bakit nga ba mahalaga na ang 21st Century Skills?

    11/10/2018 Duración: 10min

    Narinig mo na ba ang 21st Century Skills? Sa panahon ngayon, hindi sapat na alam mo lang kung paano gawin ang iyong trabaho. May mga bagay tulad ng tamang pakikisama sa katrabaho at ‘creative thinking’ na kinakailangan upang mas maging maigi ang ating buhay sa opisina. Alamin naman natin ang pagkakaiba ng Social Media Marketing at Traditional Marketing. Saang aspeto ba nagiging magkaiba ang dalawa upang mas malinawan kayo kung para sa inyo nga ba ito. Ating pag-usapan ito sa episode ngayon: 00:40 Bakit mahalaga ang 21st Century Skills 04:13 Ano ang kaibahan ng Social Media Marketing at Traditional Marketing 10:20 Quote for the Week (Frederick Douglass)

  • Episode 53 | Mga Katangian na hanap ng Employers

    11/10/2018 Duración: 06min

    Higit sa work experience at kakayahan mo, may mga iba pang bagay na tinitingan ang mga Employer tuwing ikaw ay mag aaply sa trabaho. Alamin kung ano ano ang mga ito. Nais mo bang makapag trabaho bilang Social Media Marketer? Sa itong special segment na ito ay sisimulan natin pag usapan ang mga kakayahan na dapat mong simulan na pag aralan upang makita mo kung maari ka ba sa trabahong ito. Pag-usapan ang mga ito sa episode ngayon: 00:38 Mga Katangian na hinahanap ng Employers 03:25 Ano ang ilang kailangang ‘skills’ kung gusto mong maging Social Media Marketer 06:10 Quote for the Week (Winston Churchill)

  • Episode 52 | Paano mapapabilis ang paghahanap ng Trabaho

    11/10/2018 Duración: 18min

    Kapag ang paghahanap mo ng trabaho ay natatagalan, mahalagang balikan mo ang mga mahahalagang bagay tulad ng paghahanda sa Interview, isip, pagsasaliksik at iba pa. Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang Career Coach tungkol sa kanyang propesyon at kung paano nga ba siya napunta sa ganitong larangan ng trabaho. Lahat ito ay tatalakayin natin sa episode na ito: 00:25 Paano mapapabilis ang paghahanap ng Trabaho 02:53 Panayam sa isang Career Coach 31:15 Quote for the Week (Benjamin Franklin)

  • Episode 51 | Mga Bagay na hindi mo kailangan ilagay sa iyong Resume

    11/10/2018 Duración: 12min

    Kung nakasanayan mo ng maglagay ng picture sa Resume, alam mo ba na hindi naman talaga kailangan nito? Alamin kung ano ano pa ang mga ibang bagay na hindi dapat inilalagay sa iyong Resume. May nakausap din tayo na isang Call Center agent at ibinahagi niya ang kanyang istorya kung paano nga ba siya nakapagtrabaho sa industriya na ito at kung ano ang bagay na nakakapag patagal sa kanya sa pagtratrabaho dito.Lahat ito sa episode ngayon:00:28 Mga hindi mo kailangan ilagay sa iyong Resume 03:07 Panayam sa isang Call Center Agent 11:29 Quote for the Week (Marcia Wieder)

  • Episode 50 | Paano nga ba natin madaling matapos ang Trabaho?

    11/10/2018 Duración: 14min

    Matapos ang ating trabaho sa opisina. Hindi naman kasi talaga nauubos ang trabaho. Nagpapatong patong pa nga ito kung ating pababayaan. Paano nga ba natin magagamapanan ng mas maayos ang ating responsibilidad sa opisina? Tayo’s nabigyan din ng pagkakataon makapanayam ang isang Sourcing & Testing HR Admin sa isang Manpwer Recruitment Company. Alamin natin kung ano ano nga ba ang kaniyang ginagawa sa trabaho at higit sa lahat ay kung ano ang kanyang pinagdaanan upang makakuha siya ng kanyang unang trabaho. Lahat ito sa episode ngayon: 00:33 Paano ba natin madaling matapos ang Trabaho? 04:50 Panayam sa isang HR Sourcing & Testing Admin 13:46 Quote for the Week (Joseph John Campbell)

  • Episode 49 | Ano ang iyong kahinaan bilang Empleyado?

    11/10/2018 Duración: 09min

    Isa sa pinakamahirap sagutin na interview question ang “What is your Weakness as an Employee?” Mapa experienced na jobseeker at baguhan ay minsan ay nagkakamali pa rin sa pagsagot nito. Alamin natin ang tamang paraan sa pagsagot sa interview question na ito. Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang baguhan pa lamang sa larangan ng Sales at Marketing. Ibinihagi niya ang ilang mahahalagang paraan upang mapunta sa larangan na ito at kung ano ano din nga ba ang kanyang mga ginawa upang malaman kung nababagay ba talaga siya sa trabahong ito. Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 00:38 What is your weakness as an Employee? 04:03 Panayam sa isang Sales & Marketing Assistant 09:08 Quote for the Week (Peter Drucker)

  • Episode 48 | Bakit kailangan ng kumpyansa sa sarili sa paghahanap ng trabaho

    11/10/2018 Duración: 18min

    Kung ikaw ay isang jobseeker, hindi maikakaila ang kaba sa tuwing ikaw ay pupunta sa isang opisina para sa isang interview. Ngunit kung ikaw ay may kumpyansa sa sarili, ang takot na maaring hindi talaga nawawala kahit kanino man, ay laging magiging kakampi mo upang maging tagumpay sa paghahanap ng trabaho. Nakausap din natin ang isang bago pa lamang sa larangan ng Sales sa isang manpower company. Dito niya inilahad ang kanyang buhay bilang isang working student at nagbahagi din ng kanyang pananaw kung paano magiging matatag upang malamapasan at makita ang tamang trabaho para sa’yo. Ito ang pag-uusapan natin sa episode ngayon: 00:27 Bakit kailangan ng kumpyansa sa sarili sa paghahanap ng trabaho 02:32 Panayam sa isang Sales & Business Dev. Associate na dating working student 18:31 Quote for the Week (Neil Donald Walsch)

  • Episode 47 | Tama ba ang sabihin na ok lang kung ‘Kahit Anong Trabaho na lang Po’

    11/10/2018 Duración: 18min

    Marami tayong narinig na mga naghahanap ng trabaho na nagsabing- “Kahit anong trabaho na lang po”. Maganda ang pagiging “willing” sa pagsubok ng kahit anong trabaho, nguni’t higit na mas makabubuti sa’yo kung buo ang isip kung ano ang trabahong nais mo talagang pasukan. Sa huli nating panayam sa isang Project Coordinator ng DOLE Bureau of Local Employment, malalaman natin kung ano ano pa nga ba ang mga kailangan upang makapagsimula sa pagtratrabaho sa ganitong klaseng trabaho sa gobyerno at kung paano din tayo makakatagal sa trabahong gusto talaga natin. Ito ang ating mga tatalakayin ngayon: 00:29 “Kahit Anong Trabaho na lang Po” 03:50 Panayam sa isang Project Coordinator 17:29 Quote for the Week (Thomas Edison)

  • Episode 46 | Don’t take ‘No’ for an answer when looking for work

    11/10/2018 Duración: 12min

    Nagiging matagumpay ang paghahanap ng trabaho sa karamihan dahil sa isang katangian- ang pupusurgi, o ang hindi kaagad pagsuko. Kung hindi ka nakuha sa isang aplikasyon, ay maaring sa susunod ay mag tugma na ang iyong kakayahan sa isang Employer. Siguraduhin mo lamang na alam mo din ang mga bagay na dapat paghandaan sa susunod na aplikasyon. Nagkaron din tayo ng pagkakataon makausap ang isang IT Consultant at Developer para sa Gobyerno. Ibinahagi niya ang ilang mahahalagang bagay kung gusto mong pasukin ang larangan ng IT Development at Consultancy. Ito ang ating mga pag-uusapan sa episode na ito: 00:24 Don’t take ‘No’ for an answer when looking for work 02:35 Panayam sa isang IT Consultant ng gobyerno 11:10 Quote for the Week (Vincent Van Gogh)

  • Episode 45 | Paano sagutin ang interview question ‘Tell me something about yourself’

    11/10/2018 Duración: 16min

    Bakit nga ba mahirap sagutin para sa iba ang tanong sa interview na “Can you tell me something about yourself?” Nagiging mahirap lamang ito kung hindi malinaw ang ating pananaw kung para saan ang tanong na ito at kung paano natin magagamit ang pagkakataon na ito upang maipakita ang ating kakayahan. Sa ating ikalawang panayam sa isang Asst. Project Coordinator ng DOLE-BLE for Jobstart program, naibahagi niya ang kanyang experience bilang isang working student, para saan ang Jobstart program at kung paano ba siya nagtagal sa kanyang trabaho. Lahat ‘yan sa episode na ito, 00:38 Paano nga ba sagutin ang tanong sa interview na- “Can you tell me something about yourself?” 03:58 Ikalawang panayam sa isang Asst. Project Coordinator ng DOLE-BLE tungkol sa Jobstart at pagiging working student 09:56 Quote for the Week (Eric Hoffer)

  • Episode 44 | Iwasan ang mga ito sa iyong Resume

    11/10/2018 Duración: 10min

    May mga pagkakataon na nakakalimutan natin suriin ng mabuti ang ating resume upang makita ang mga maling detalye. Balikan natin ang mga bagay na hindi dapat inilalagay sa resume. Nakausap din natin ang isang nagsusumikap na working student na nagtratrabaho bilang food delivery guy at perfume maker upang pangtustos sa kanyang pag-aaral. Pakinggan natin ang kanyang payo tungkol sa pagsisikap sa buhay. Ito ang nilalaman ng ating episode ngayon: 00:22 Mga dapat iwasan na ilagay sa Resume 03:58 Panayam sa isang food delivery guy na isang working student 09:56 Quote for the Week (Mahatma Gandhi)

  • Episode 43 | Tatlong Kakayahan na kailangan upang mabilis makahanap ng Trabaho

    11/10/2018 Duración: 17min

    Hindi ‘suwerte’ ang dahilan kaya madaling nakakakuha ng trabaho ang ibang mga tao. Mayroon silang tatlong mga kakayahan na angkop para sa mga pangangailangan ng mga employers. Ano ano nga ba ang mga ito? Nabigyan din tayo ng pagkakataon malaman kung ang DOLE AMP na programa ng DOLE para tulungan ang mga empleyadong naapektuhan ng K to 12 education system mula sa isa sa kanilang mga empleyadong tumutulong sa pagsulong nito. ‘Yan ang laman ng episode na ito: 00:33 Three (3) Skills that can help you get hired fast 02:51 Panayam sa isang Program Administrative Staff ng Bureau of Local Employment 16:44 Quote for the week (Amelia Earhart)

  • Episode 42 | Paano pumasa sa 30-second Resume Test

    11/10/2018 Duración: 21min

    Malaki ang kahalagahan ng pagiging simple ng isang resume sa iyong pag-aaply sa trabaho. Dapat itong pumasa sa labing tatlong (30) segundo na pagsubok upang lalong tumaas ang iyong pagkakataon na magpatuloy sa susunod na hakbang sa aplikasyon. Patuloy ang ating pakikipagpanayam sa ating mga Bureau of Local Employment employees. Nakapanayam naman natin ang isang Project Coordinator na in-charge sa NSRP (National Skills Registration Program) na kung saan ay nakapagbahagi din siya ng mahahalagang payo sa mga estudyanteng malapit ng magtapos at magtrabaho. Alamin natin lahat ito sa episode na ito: 00:33 Paano pumasa sa 30-second Resume Test 03:43 Panayam sa isa pang BLE Project Coordinator for the National Skills Registration Program 20:25 Quote for the Week (Zig Ziglar)

página 2 de 5