Philjobnet

  • Autor: Vários
  • Narrador: Vários
  • Editor: Podcast
  • Duración: 16:02:43
  • Mas informaciones

Informações:

Sinopsis

This podcast talks about the working class Filipino and provides career tips for personal advancement.

Episodios

  • Episode 41 | Ano ang magandang gawin habang naghihintay ng interview

    11/10/2018 Duración: 19min

    Pag-usapan natin kung paano magagamit ang oras ng paghihintay mo sa interview upang lalong maging mas handa kapag dumating na ang iyong pagkakataon. Nakapagbahagi din ang isang Project Coordinator, si Miss Nicole ng Bureau of Local Employment, ng impormasyon tungkol sa kanyang unang trabaho at kung ano ano din ang kaniyang ginagawa upang higit pa niyang mapabuti ang sarili sa trabahong ito. Lahat ng mga ito ang ating tatalakayin: 00:36 Ano ang magandang gawin habang naghihintay ng interview 02:31 Panayam sa isang Project Coordinator sa Bureau of Local Employment 18:15 Quote for the Week (Anthony Bourdain)

  • Episode 40 | To do list para sa mga naghahanap ng trabaho

    09/10/2018 Duración: 15min

    Mas dadali ang paghahanap ng trabaho kung mayroon ka listahan ng mga dapat gawin. Alam mo na din dapat ang tamang proseso upang lalong tumaas ang pagkakataon na matanggap. Nabigyan tayo ng pagkakataon makausap ang isang Utilities Personnel kung saan naibahagi niya ang kanyang kuwento kung paano siya nakahanap ng trabaho at kung paano ka din maaring manatili sa ganitong trabaho. Tatalakayin natin ito lahat sa episode na ito: 00:38 To do list para sa mga naghahanap ng trabaho 06:01 Panayam sa isang Utilities Personnel kung paano siya natanggap sa trabaho at kung ano din ang kailangan upang makakuha at manatili sa ganitong trabaho 14:21 Quote for the Week (Alan Cohen)

  • Episode 39 |

    09/10/2018 Duración: 04min

    Salamat po sa patuloy ninyong pakikinig sa Buhay at Hanapbuhay ngayong 2017! Patuloy pa rin kami na makiki bahagi sa inyong pamumuhay sa darating na taon. Happy 2018 sa lahat! Para sa lahat ng episodes - hanapin lang ang #BuhayAtHanapbuhay

  • Episode 38 | Paano pataasin ang kompyansa sa sarili upang makahanap ng trabaho

    09/10/2018 Duración: 11min

    Hindi talaga madali makamit ang lakas ng loob sa paggawa ng isang bagay. Kailangan makuha mo ang kompyansa sa sarili bilang unang hakbang sa paghahanap ng trabaho. Nakausap din namin ang isang matagal ng Company Driver at nakakuha tayo ng ilang mahahalagang bagay na dapat bigyan halaga kung nais mo din tumagal sa ganitong propesyon. Tatalakayin natin ang mga ito: 00:24 Paano pataasin ang kompyansa upang makahanap ng trabaho 02:54 Panayam sa isang Company Driver 10:59 Quote for the Week (George Lucas)

  • Episode 37 | Ano ba ang dapat na gamitin na lenggwahe sa Interview, English o Filipino?

    09/10/2018 Duración: 14min

    Pagdating ng araw ng interview, siguraduhin na buo ang loob mo at kampante ka na din gumamit ng tamang lenggwahe. Ano nga ba ang dapat gamitin, English o Filipino? Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapag interview ng isang Marketing Communications Associate upang malaman natin kung ano nga ba ang trabahong ito at kung paano mapunta sa larangan ng trabahong ito. Ito ang nilalaman ng episode na ito: 00:32 Ano ba ang dapat na gamitin na lenggwahe sa Interview, English o Filipino? 02:15 Panayam sa isang Marketing Communications Associate 13:15 Quote for the Week (Carrie Fisher)

  • Episode 36 | Payo para sa mga baguhan sa paghahanap ng trabaho

    09/10/2018 Duración: 17min

    Ngayon ka lang susubok maghanap ng trabaho? Pagusapan natin kung ano ba ang bagay na dapat mong gawin upang handa ka na sumubok at maging tagumpay sa paghahanap ng trabaho. Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang multi-skilled technician sa kanyang trabaho. Paano ba niya nakuha ang mga kinakailangang 'skills' sa ganitong trabaho at kung ano ano ang kanyang pang araw araw na trabaho. Ating talakayin ang mga ito: 00:31 Payo para sa mga baguhan sa paghahanap ng trabaho 06:01 Panayam sa isang multi-skilled na Technician 16:38 Quote for the Week (Harrison Ford)

  • Episode 35 | How to make a One-Page Resume

    09/10/2018 Duración: 21min

    Nasubukan mo na ba gawing One Page lang ang iyong resume? Siyasatin natin kung bakit nga ba mas maigi, lalo na kung kaya naman, na gawing isang pahina lamang ang ating resume para makatulong ito sa paghahanap ng trabaho. Mayroon din tayong special interview sa isang Call Center Trainer tungkol sa kanyang propesyon, kung ano ano nga ba ang kaakibat nitong responsibilidad at kung bakit din siya nagtagal ng labing isang (11) taon dito. Lahat yan sa episode na ito: 00:31 How to make a One-Page Resume 04:30 Panayam sa isang Call Center Trainer 20:30 Quote for the Week (Og Mandino)

  • Episode 34 | Ano ang pwedeng gawin sa libreng oras kapag maluwag sa trabaho

    09/10/2018 Duración: 10min

    Mahirap man aminin, pero hindi maikakaila na marami tayong oras na napupunta lamang sa wala kapag may libreng oras tayo sa opisina. Nakapanayam din natin ang isang Admin Assistant na kung saan ay ibinihagi niya ang karaniwang gawain sa trabahong ito, paano nga ba tumagal sa trabahong ito at kung saan patungo ang kanyang career. Ito ang ating mga pag-uusapan sa episode na ito: 00:39 Ano ang pwedeng gawin sa libreng oras kapag maluwag sa trabaho 02:38 Panayam as isang Admin Assistant at kung paano siya nakapagsimula at nagtagal sa trabahong ito 09:12 Quote for the Week (Arnold Schwarzenegger)

  • Episode 33 | Paano mas maging kapakipakinabang sa iyong Trabaho

    09/10/2018 Duración: 13min

    Minsan napapaisip na lang tayo bigla kung may halaga nga ba ang ating trabaho. Kailangan maging makabuluhan ang ating ginagawa sa pang-araw araw upang lalo pa natin ito mahalin. Sa larangan ng disenyo ngayon, maraming oportunidad para sa mga Graphic Artist / Designer ngunit ano nga ba ang kailangan upang makapagsimula sa larangan na ito. Nakapanayam natin ang isang bihasang graphic designer sa kanyang larangan at ibinihagi niya ang kanyang nalalaman dito. Lahat ito, sa episode na ito: 00:25 Paano mas maging kapakipakinabang sa iyong Trabaho 03:31 Panayam sa isang Graphic Artist at kung paano nga ba makapagtrabaho sa industriya nila 12:32 Quote for the Week (Larry Ellison)

  • Episode 32 | Ano ang maitutulong ng maayos na pakikipag kamay sa iyong paghahanap ng trabaho

    09/10/2018 Duración: 16min

    Naranasan mo na ba makipag kamay sa iyong interviewer? Marahil ay nahihiya ka tuwing ginagawa ito ngunit malaki ang naitutulong ng tamang pakikipag kamay lalo na kung ginagawa mo ito sa isang job interview. Nabigyan din tayo ng pagkakataon makapanayam ang isang TESDA Assessor for DomWorks(Domestic Work/Helper) at ibinihagi niya ang mga bagay na kailangan gawin kung gusto mo din maging Assessor at kung ano ano din ang mga bagay na hanap nila sa isang NCII certification for Domestic Helper. Lahat yan ay ating pag-uusapan sa episode na ito: 00:38 Ano ang maitutulong ng maayos na pakikipag kamay sa iyong paghahanap ng trabaho 03:26 Panayam sa isang TESDA Assessor kung paano siya napunta sa larangan na ito at kung ano ano din nga ba ang mga bagay na tinitingnan sa proseso ng 'Certification' sa TESDA training programs para sa Domestic Helper (DomWorks) 15:44 Quote for the Week (Muhammad Ali)

  • Episode 31 | Paano matanggap sa trabaho ng walang job experience

    09/10/2018 Duración: 14min

    Pinakamahirap sa lahat ang makapagsimula sa trabahong gusto natin na wala pa tayong sapat na 'Job Experience'. Paano nga ba natin tataasan ang ating pagkakataong matanggap sa isang trabaho kung wala pa tayong parehong 'experience' dito. Makakapanayam din natin ang isang dating 'Intern' sa isang kompanya na ngayon ay naging Sales & Marketing associate na matapos niyang tagumpay na Ang mga nilalaman ng episode na ito: 00:40 Paano matanggap sa trabaho ng walang job experience 05:18 Panayam sa isang bagong graduate na nakapagtrabaho bilang Sales & Marketing Associate pagkatapos ng kaniyang Internship / OJT sa isang kompanya 14:04 Quote for the Week (Martha Stewart)

  • Episode 30 | Mga dapat gawin upang tumaas ang suweldo

    08/10/2018 Duración: 12min

    Madalas natin sisihin ang kompanya o di kaya naman ang ating mga 'boss' kung bakit hindi tumataas ang ating sahod. Ngunit maraming mga bagay na dapat tayong gawin na nakakalimutan ng karamihan upang makamit ito. Nabalitaan niyo na ba ang Jobstart na programa ng DOLE? Kilalanin natin ang isa sa mga graduates ng Jobstart program at kamustahin natin kung ano na nga ba ang trabaho niya ngayon. Sa episode na ito: 00:40 Mga dapat gawin upang tumaas ang suweldo 05:49 Panayam sa isang Jobstarter, na ngayon ay isa ng Accounting Assistant 11:17 Quote for the week (Paulo Coelho)

  • Episode 29 | Paano gamitin ang Social Media upang makapag practice ng English

    08/10/2018 Duración: 15min

    Mahalaga na marunong tayo mag salita ng Ingles lalo na kung nais mong dumami pa ang iyong mga pagpipilian na trabaho. Makakapanayam din natin sa episode na ito ang isang HR Recruiter na makakapagbigay linaw kung ano ano nga ba ang kelangan gawin upang makuha mo ang gusto mong trabaho. Sa episode na ito: 00:22 Paano gamitin ang Social Media upang makapag practice ng English 04:03 Panayam sa isang HR Recruiter tungkol sa kanilang trabaho at kung paano din makapasok sa trabahong ito 14:40 Quote for the week (Tony Robbins)

  • Episode 28 | Hindi kailangan na mag graduate sa Top Universities para makapag trabaho

    08/10/2018 Duración: 11min

    Hindi dapat humina ang loob mo kung hindi kabilang sa Top Schools at Universities ang paaralan kung saan ka nakapagtapos. Sa katunayan, dapat ito pa nga ang magtulak sa'yo upang lalo pang pagbutihin ang sarili upang makakuha ng magandang Trabaho. At paano kung kakatapos mo lang mag-apply ng trabaho, ano nga ba ang dapat gawin? Umupo na lamang sa bahay at maghintay ng resulta? Ito ang lahat ng ating pag uusapan natin sa episode na ito: 00:40 Hindi kailangan na mag graduate sa Top Universities para makapag trabaho 07:35 Ano ang kailangan gawin habang naghihintay ng resulta ng trabaho? 10:26 Quote for the week (Neil Gaiman)

  • Episode 27 | Tips para sa mga aplikanteng gustong mag-walk in

    08/10/2018 Duración: 12min

    Ang pag Walk-in ang isa sa mga pinakamahirap gawin na pamamaraan sa paghahanap ng trabaho ngunit hindi maikakaila na epektibo din ito. Pakinggan kung ano ba ang mga bagay na dapat gawin bago mo ito subukan. Kung madalas ka nabibigo sa paghahanap ng trabaho ay maaring may mga dahilan na maaring hindi mo pa nakikita. Talakayin natin ang mga katangian na nagiging hadlang kaya hindi natatanggap sa trabaho ang aplikante at kung papaano din baguhin ito. Pag usapan natin lahat 'yan sa episode na ito: 00:29 Tips para sa mga aplikanteng gustong mag-walk in 05:14 Ano ang problema kung bakit hindi ako nakakahanap ng trabaho 11:20 Quote for the week (Simon Sinek)

  • Episode 26 | Apat na maaring dahilan kung bakit hindi ka nakakahanap ng trabaho

    08/10/2018 Duración: 10min

    Hindi dapat sisihin ang sarili kung bakit hindi tayo minsan natatanggap sa trabaho. May apat na mga bagay lamang na maaring nakakalimutan kaya hindi kagad natatanggap sa mga inapplyan na trabaho. Tingnan natin kung ano ano nga ba ang mga ito. Kung ikaw naman ay may trabaho na, siguraduhing lagi na may naitatabi ka na ipon upang hindi magipit pagdating ng panahon. Ano ano nga ba ang mga pangunahing dahilan kung bakit kailangan natin makapag-ipon? Pag-uusapan natin lahat ito: 00:36 Apat na maaring dahilan kung bakit hindi ka nakakahanap ng trabaho 5:13 Kahalagahan ng pag-iimpok para sa mga Manggagawa 9:04 Quote for the Week (Henry Ford)

  • Episode 25 | Paano manatili sa iyong kasulukuyang Trabaho

    08/10/2018 Duración: 08min

    Madalas ay kapag tumatagal na tayo sa ating trabaho ay maaring makalimot tayo minsan na may kinakailangan pa rin tayo gawin upang manatili dito. Balikan natin kung ano ano nga ba ang mga bagay na ito. Kung ikaw naman ay naghahanap ng trabaho - siguraduhin mo na ginawa mo ng Prioridad ang paghahanap ng trabaho para magbunga ito ng maganda. Tatalakayin natin kung ano ano nga ba ang nangyayari kapag ginawa mo ito. Ito ang nilalaman ng episode na ito: 00:25 Paano manatili sa iyong kasulukuyang Trabaho 04:38 Gawing Prioridad ang Paghahanap ng Trabaho 07:21 Quote for the Week (Michael Jordan)

  • Episode 24 | Be better today than yesterday

    08/10/2018 Duración: 09min

    Kailangan ba natin talaga makipag paligsahan sa ating mga ka-opisina upang mas maging mahusay sa ating trabaho? Bilang empleyado, ang pagkakaron ng mas mabuti sa resulta ng ating trabaho ngayon kumpara sa kahapon ang susi para mas maging mahusay. Para naman sa ating mga listeners na naghahanap pa ng mga trabaho, siguraduhin lagi na kilala niyo na ang sarili niyo bago kayo pumunta sa mga job interviews. Pag-uusapan natin 'yan sa episode na ito: 00:41 Be better today than yesterday 04:40 Be yourself during Job Interviews 08:30 Quote for the week (Dwayne Johnson)

  • Episode 23 | The power of habit for employees

    08/10/2018 Duración: 07min

    Kaya mo ba maging mahusay sa trabaho? Kahit sino naman kaya gawin ito basta mayroon ka ng epektibong 'habit' sa paghahanapbuhay. Kung ikaw naman ay naghahanap ng trabaho, tandaan na kailangan mo din mag "focus" sa mga importanteng bagay upang magkaron ng magandang resulta ang iyong mga pupuntahan na interviews. Lahat yan ay pag-uusapan natin sa episode na ito: 00:33 The power of habit for employees 03:38 Mag "Focus" upang makahanap kagad ng trabaho 05:41 Quote for the week (Linda Kaplan)

  • Episode 22 | Tips para sa mga nagtratrabaho sa gabi

    08/10/2018 Duración: 09min

    Kalusugan ang pinakamahalaga sa ating pamumuhay lalo na kung kaakibat nito ang pagpupuyat dahil sa trabaho. Gamitin na gabay ang ating episode na ito kung ikaw ay nagtratrabaho sa gabi. Ang pakikipagsapalaran ng ating mga OFW's sa ibang bansa ang nagiging simbolo ng tagumpay para sa karamihan. Dahil nga lang ba sa mas malaking sweldo ang nagiging basehan ng kanilang tagumpay? Tingnan natin kung ano ano pa nga ba ang mga katangian ng ating mga manggagawa sa ibang bansa at kung bakit kailangan din natin gawin ito kahit wala tayo sa ibang bansa kung nais natin maging matagumpay din. Pag-usapan natin lahat yan sa episode na ito: 00:27 Tips para sa mga nagtratrabaho sa gabi 05:07 Bakit ba nagiging matagumpay ang mga nag-aabroad? 08:39 Quote for the week (John Gokongwei)

página 3 de 5