Philjobnet

  • Autor: Vários
  • Narrador: Vários
  • Editor: Podcast
  • Duración: 16:02:43
  • Mas informaciones

Informações:

Sinopsis

This podcast talks about the working class Filipino and provides career tips for personal advancement.

Episodios

  • Episode 21 | Paano nga makapagtipid kung ikaw ay isang minimum wage earner pa lamang

    08/10/2018 Duración: 08min

    Ang pagtitipid ang isa sa pinakamahirap gawin ng isang nagtratrabaho - lalo na kung ikaw ay nagsisimula pa lamang sa pagtratrabaho. Paano nga ba natin magagawang magtipid sa pang araw-araw kung nakasanayan na laging nauubos ang sweldo bago ang next Payday. Balikan din natin ang mahahalagang aspeto ng buhay maliban sa pagtratrabaho. Maliban sa pagtratrabaho, napakarami pa ng mga bagay na kinakailangan natin bigyan pansin upang tayo ay tunay maging masaya. Pag-usapan natin lahat 'yan sa episode na ito: 00:33 Paano nga makapagtipid kung ikaw ay isang minimum wage earner pa lamang 04:30 Tamang balanse sa buhay at hanapbuhay 07:35 Quote for the week (Francis Kong)

  • Episode 20 | Mga Paraan upang ma-promote sa Trabaho

    08/10/2018 Duración: 13min

    Kung ikaw ay isang empleyado at gusto mong ma-promote, kinakailangan na handa ka muna para dito bago mo subukan mag-apply. Pag-usapan natin ang mga paraan upang tumaas ang pagkakataon mo ma-promote. Marami sa ating mga kababayan ang nahihirapan makakuha ng trabaho sa Call Centers / BPO kahit gustong gusto nila. Ang paggamit ng 'basic' English ay kinakailangan upang matanggap ka sa trabaho dito. Tingnan natin kung paano nga ba matuto ng pagsasalita ng Ingles. Samahan niyo kami sa episode na ito: 00:33 Mga Paraan upang ma-promote sa Trabaho 05:02 Paano matuto ng 'basic' English upang makapagtrabaho sa Call Center 12:33 Quote for the Week (Jeff Bezos)

  • Episode 19 | Dapat ba mag-abroad o hindi?

    08/10/2018 Duración: 13min

    00:54 Dapat ba mag-abroad o hindi? 06:39 Trabaho o Negosyo? 12:15 Quote for the week (Jackie Chan) Marahil ay naitanong mo na rin sa iyong sarili kung mas maigi ba na magtrabaho ka na lang sa ibang bansa upang makaraos. Pag-usapan natin kung ano ano pa nga ba ang mga dapat mong sagutin na mga tanong bago ka mag desisyon umalis ng bansa. Narinig na din natin sa ibang matagumpay na negosyante na ang pagnenegosyo ang naging susi nila. Ano nga ba dapat, mag Trabaho o mag Negosyo?

  • Episode 18 | Anong gagawin ko, kung gusto ko lumipat ng trabaho

    08/10/2018 Duración: 09min

    00:32 Anong gagawin ko, kung gusto ko lumipat ng trabaho 04:06 Mga dahilan kung bakit umaalis ng bansa ang ating Manggagawa 08:50 Quote for the week (Audrey Hepburn) Bago mag desisyon lumipat ng trabaho, siguraduhin mo munang handa ka na. Maraming importanteng bagay ang marahil nakakalimutan ng iba bago sumabak sa pagtratrabaho sa ibang bansa. Tatalakayin natin yan sa episode na ito. Balikan din natin ang mga pangunahing dahilan kung bakit nga ba umaalis ng bansa ang ibang Manggagawang Pilipino.

  • Episode 17 | Limang Paraan para harapin ang 'stress' sa trabaho

    08/10/2018 Duración: 09min

    00:38 Limang Paraan para harapin ang 'stress' sa trabaho 05:01 Paano i-program ang iyong isip para magkatrabaho 08:10 Quote for the Week (Andy Warhol) Para sa mga nagtratrabaho ang 'stress' ay hindi biro. Araw-araw natin hinaharap ito at minsan ay parang ayaw na natin pumasok dahil dito. Kaya naman naisipan namin ibahagi ang ilang mga tips para makatulong sa pagharap sa 'stress'. Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho, siguraduhing buo na ang pag-iisip mo bago ka pa man magsimulang mag-apply. Gumawa kami ng gabay para makondisyon ninyo ang inyong sarili upang makuha ang gusto mo talagang trabaho. Lahat yan ay pag-uusapan natin sa episode na ito

  • Episode 16 | Payo upang makapagpasya kung anong Trabaho ang dapat aplyan

    08/10/2018 Duración: 11min

    00:31 Payo upang makapagpasya kung anong Trabaho ang dapat aplyan 07:03 Paano makatutulong ang 'branding' sa paghahanap ng trabaho 10:26 Quote for the Week (Sergey Brin) Hindi dapat hayaan na tadhana na lamang ang bahala sa ating magiging trabaho. Kailangan ikaw mismo ang mag desisyon at gumawa ng paraan para makuha ang gusto mong trabaho. Dagdagan mo din ang iyong pagkakataon makuha kaagad sa trabaho sa pamamagitan ng pagkaron ng sarili mong 'branding'.

  • Episode 15 | Tulong sa paghahanap ng trabaho para sa mga hindi nakapagtapos ng kurso

    08/10/2018 Duración: 09min

    Hindi dapat hadlang ang hindi pagkakaroon ng natapos na Kurso upang makakuha ng disenteng trabaho. Maraming paraan upang magkatrabaho ang isang tao pero kailangan ay may ginagawa ka din upang dagdagan ang iyong skills. Kailangan din ang ‘Positive Thinking‘ upang makakuha ng trabaho. Hindi dapat hinahayaan ang negatibong pag-iisip sa ating buhay, lalo na kung ikaw ay mag-aaply ng trabaho. Pag-uusapan natin yan lahat dito sa episode na ito. Sa episode na ito >> 00:31 Tulong sa paghahanap ng Trabaho, Para sa mga hindi nakapagtapos ng Kurso 04:22 Inaasahan mo ba makakuha ng trabaho? 08:04 Quote for the week (Jack Ma)

  • Episode 14 | Paano ba gumamit ng kwento ng iyong buhay sa Job Interview

    08/10/2018 Duración: 07min

    Bihira sa atin ang may kakayahan mag kwento ng sariling karanasan sa harap ng ibang tao. Lalo na kung ilalagay mo pa ang sitwasyon sa loob ng isang job interview. Pero ang totoo, mas maganda na magamit mo ang iyong karanasan para maiangat mo pa ang iyong sarili sa kompetisyon para magkatrabaho. Ang magandang pakikitungo din sa mga katrabaho ang isa sa pinakamahahalagang bagay na dapat matutunan ng kahit sino man. Tatalakayin natin lahat ito sa episode ngayon: In this episode >> 00:37 Paano nga ba gamitin kwento ng iyong Buhay upang makatulong sa Job Interview 03:12 Mga Paraan para mapadali ang pakikipagkaibigan sa Trabaho 06:38 Quote for the Week (Jessica Alba)

  • Episode 13 | Paano ba makuha ang atensyon ng Recruiters

    08/10/2018 Duración: 06min

    Akala natin basta may resume ay sapat na ito upang pansinin ng recruiter. Kailangan nating siguraduhing maayos ang pagkakagawa ng ating resume upang tumaas ang ating ‘chance’ para mabigyan ng pagkakataon na magkatrabaho. Pakinggan kung paano nga ba ito gawin. Tatalakayin din natin kung paano nga ba maging handa ang isang empleyado sa pagbabago sa mundo ng trabaho. In this episode >> 00:40 Paano makuha ang atensyon ng HR Recruiters 02:44 Paano maging handa sa pagbabago sa trabaho 05:43 Quote for the week (Howard Schultz)

  • Episode 12 | Mga hadlang na kakaharapin ng mga bagong ‘Graduate’

    08/10/2018 Duración: 09min

    Marami sa ating mga bagong graduates ang makikipagsapalaran sa mundo ng trabaho simula ngayong buwan. Kaya minabuti namin na pagusapan ang mga hadlang sa paghahanap ng trabaho kung ikaw ay isang Fresh Graduate. Pagdating naman sa Job Interviews, may paraan upang mas mapaigi ang impresyon sa’yo ng job interviewer sa pamamagitan ng paggamit ng positive body language. Sa episode na ito: 00:49 Mga Hadlang na kinakaharap ng mga bagong Graduates 06:37 Positive Body Language for Job Interviews 08:30 Quote for the Week (Stephen Curry)

  • Episode 11 | Resume Tips para sa First Time Job Applicants

    08/10/2018 Duración: 12min

    Para sa ating mga first time jobseekers, ang unang hakbang sa paghahanap ng pagtratrabaho ay ang pagkakaroon ng maayos na Resume. Magbibigay tayo ng tips upang siguradong maayos ang inyong Resume. Huwag pangunahan ng takot kapag nagkaroon ka ng alok na trabaho sa Sales. Tingnan natin kung ano nga ba ang mga maliliit na dahilan kung bakit pinapalampas ng marami ang magagandang opportunidad sa Sales. Sa episode na ito >> 00:52 Resume tips para sa mga first time job applicants 04:18 Bakit nga ba ayaw applyan ng karamihan ang trabaho sa Sales? 11:10 Quote for the week (Sheryl Sandberg)

  • Episode 10 | Karaniwang Dahilan kung bakit hindi Natanggap ang isang Aplikante

    08/10/2018 Duración: 11min

    Mahirap man tanggapin, pero may mga dahilan kung bakit minsan ay hindi tayo natatanggap sa trabaho. Alamin natin kung ano nga ba ang mga ito. Maraming mga benepisyo naibibigay ang social media sa ating buhay. Pero mayroon din itong mga negatibong epekto sa natin. Ano nga ba ang mga dapat iwasan na gawain sa social media lalo na kung ikaw ay nag-aaply ng trabaho. Sa episode na ito: 00:33 Karaniwang dahilan kung bakit hindi ka natanggap sa trabaho 04:44 Mga dapat iwasan na ilagay sa iyong Social Media profile 10:30 Quote for the week (Mark Zuckerberg)

  • Episode 9 | Katangian ng mga taong madaling matanggap sa Trabaho

    08/10/2018 Duración: 07min

    May mga kakilala ka ba na mabilis makahanap ng mga trabaho? Kilalanin natin ang mga taong katulad nila na may mga katangiang gustong gusto ng mga employers kaya sila mabilis matanggap sa trabaho. Sa mundo naman ng pagtratrabaho, kailangang siguraduhin din natin na mahirap tayo palitan dahil sa ating mga katangian. Paguusapan natin lahat ‘yan, sa episode na ito: 00:51 Katangian ng mga taong madaling matanggap sa trabaho 03:30 Become an employee who is hard to replace 06:02 Quote for the week (Walt Disney)

  • Episode 8 | Paano gawing ‘Stress Free’ ang Opisina

    08/10/2018 Duración: 07min

    Madalas hindi natin namamalayan na nakakadagdag stress sa ating trabaho ang mga bagay na kaya naman natin maiwasan. Tingnan natin kung ano-ano ang mga ito. Pagdating naman sa paghahanap ng trabaho, siguraduhing alam din natin ang mga iba pang katangian na madalas hinahanap ng mga employers maliban sa ‘skills‘ at ‘experience’ natin. Pagusapan natin lahat ‘yan, sa episode na ito: 00:35 Paano maging stress free ang workplace 03:08 Katangian na hinahanap ng employers sa mga aplikante 06:18 Quote for the week (J.K. Rowling)

  • Episode 7 | Payo kung paano mas maging produktibo sa Trabaho

    08/10/2018 Duración: 07min

    Mas masaya ang pakiramdam natin sa trabaho kung tayo ay “productive“. Kaya subukan ninyo ang ilan sa mga paraan na subok na din namin kung paano nga ba maging produktibo sa trabaho. Pagdating naman sa mga job interviews, huwag hayaang matapos ang interview ng hindi ka makakapagtanong kung binigyan ka naman ng pagkakaton. Alamin ang dahilan sa ating podcast episode ngayon. Sa podcast episode na ito: 00:45 Tips kung paano maging produktibo sa trabaho 04:58 Maari mong itanong bago matapos ang interview 06:50 Quote for the week (Michael Phelps)

  • Episode 6 | Kumuha ng mga kurso sa TESDA para dagdag ‘Skills’

    08/10/2018 Duración: 05min

    Sa panahon ngayon, hindi na dahilan ang kakulangan ng pera upang matuto ng bagong skills sa pagtratrabaho. Ang TESDA skills training program ay ginawa ng gobyerno upang magkaron ng paraan para magkaron ng additional skills ang kahit sino. Sino din nga ba ulet ang “Millenials“? Kilalanin natin ang pinakabagong grupo ng mga manggagawa at kung bakit kailangan natin sila. Sa podcast episode na ito: 00:40 Kumuha ng TESDA courses to upgrade your skills 02:40 Benepisyo ng pagtanggap ng “Millenials” 03:55 Quote for the week (Oprah Winfrey)

  • Episode 5 | Mga Paraan upang magtagal sa Trabaho

    08/10/2018 Duración: 05min

    May mga paraan na dapat tayong subukan upang magtagal sa trabaho. Hindi din kasi maganda kung palipat lipat tayo ng employer kahit halos pareho lang naman ang responsibilidad at sweldo. Tingnan din natin kung bakit nga ba mas masaya din ang ibang tao sa kanilang mga trabaho. Sa episode na ito: 00:43 Ano ba ang dapat gawin para magtagal sa trabaho 03:04 Bakit ba mas masaya ang ibang tao sa kanilang trabaho? 04:39 Quote for the week (Richard Branson)

  • Episode 4 | Alamin kung ano ano nga ba ang mga Senior High School programs

    08/10/2018 Duración: 07min

    Siguradong may mga mahal tayo sa buhay na papasok pa lamang sa Senior High School. Pag-usapan natin kung ano nga ba ang mga track programs na maaring kunin para sa SHS. Magbibigay din tayo ng karagdagang kaalaman kung paano nga ba maghanap ng swak na trabaho. Sa episode na ito: 00:38 Ano-ano nga ba ang mga Senior High School track programs? 03:51 Paano nga ba makapaghanap ng swak na trabaho 06:58 Quote for the week “Will Smith”

  • Episode 3 | Paano maging ‘healthy’ sa trabaho at maging matipid

    08/10/2018 Duración: 07min

    Lagi ka bang nagkakasakit sa mga araw ng trabaho? Or nabibitin ka ba sa iyong budget pagkatapos lamang ng ilang araw ng sweldo? Pag-usapan natin ngayon kung ano bang pwedeng diskarte para lagi tayong nasa kondisyon at magbibigay din tayo ng iba’t ibang paraan upang makatipid at mapalago din ang ating kinikita. Sa episode na ito: 00:53 How to stay healthy at work 02:26 Paano nga ba makatipid pag araw ng sweldo? 06:26 Quote for the week (Elon Musk)

  • Episode 2 | Bakit kailangan mag Research sa kumpanya bago mag apply

    04/10/2018 Duración: 09min

    Na-experience mo na ba yung time na pumunta ka ng job interview at wala kang masagot nung tinanong ka kung bakit ka nag-apply sa kanila? Pag-usapan natin kung ano nga ba ang tamang sagot diyan at kung sino nga ba si JUAN bago at pagkatapos ng araw ng sweldo. In this episode: 0:21 Researching about the company before attending your job interview 2:47 PhilJobNet Employer Features 5:10 Sino ba si Juan bago at pagtapos ng sweldo?

página 4 de 5